^

PSN Palaro

UP pinatibay ang kapit sa liderato

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Dominado ng University of the Philippines ang u­nang dalawang periods kaya naman magaan ni­lang nakuha ang panalo kontra Far Eastern Univer­sity, 69-58 sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Matapos kontrolin ng Fighting Maroons ang laban sa second quarter ay hindi na pinaporma ang Tamaraws sa second half upang sikwatin ang magaan na tagumpay at ilista ang malinis na apat na panalo.

Lalong tumibay ang kapit ng UP sa tuktok dahil sa matitikas na laro nina Francis Lopez, Quentin Millora-Brown, Janjan Felicilda at JD Cagulangan.

Tumikada si Francis Lopez ng 13 points, kumana naman si Quentin Millora-Brown ng 11 points, para sa UP na ibinaon ang Tamaraws sa ilalim ng team standings pasan ang 0-4 baraha.

Lahat ng nakalaban ng Fighting Maroons ay sinaltik nila ng double digits na kalamangan.

“One thing that Coach Gold (Monteverde) always reminds the players is yung consistency in a game that should apply to fourth quarters. In many ways this was similar to our game against UE,” ani Fighting Maroons assistant coach Christian Luanzon.

Pinagpag ng UP ang National University Bulldogs ng 27 points, kinatay ang Ateneo de Manila University Blue Eagles ng 16 markers at 10 puntos lamang nila sa University of the East Red Warriors.

Tangka naman ng Fighting Maroons na harurutin ang pang limang sunod na panalo sa pagharap nila sa Adamson University Soaring Falcons sa Sabado sa parehong venue sa alas-4:30 ng hapon.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with