^

PSN Palaro

Lifetime Achievement award para kay Jaworski

Pilipino Star Ngayon
Lifetime Achievement award para kay Jaworski
Ro­bert ‘Sonny’ Jaworski Sr.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Pararangalan ng PBA Press Corps ang isa sa mga greatest players na nag­laro sa kasaysayan ng pioneering pro league sa Asya.

Igagawad kay Ro­bert ‘Sonny’ Jaworski Sr. ang Life­time Achievement Award sa 30th Annual Awards Night ng PBAPC sa Setyembre 24 sa Novo­tel Manila Araneta City.

Ang 78-anyos na si Jaworski ang ikalawang PBA personality na bibigyan ng nasabing special award.

Si Alaska team owner Wil­fred Uytengsu ang unang tumanggap nito sa 25th anniversary ng PBAPC noong 2019.

Ang iconic playing-coach ang itinuturing na most popular player na nag­laro sa PBA kung sa­an ang gandang lalaki at taglay na karisma nito kakambal ang kanyang pla­ying ability at leadership ang nagpahanga sa mga Pinoy basketball fans.

Naglaro si “Jawo” sa re­cord na 23 PBA seasons para sa Toyota at Barangay Ginebra na naduplika ni Fil-Tongan big man Asi Taulava noong 2022.

Hinirang na 1978 MVP, nanalo ang playing guard ng kabuuang 13 cham­pionships bilang player at coach mula noong 1975 hanggang 1997.

Si Jaworski rin ang nag-iisang player na nag­laro sa PBA sa edad na 50-anyos.

Ang tinaguriang “Big J” ay isang 13-time champion bilang player, coach at pla­­ying-coach, isang six-time Mythical First Team, two-time Mythical Second Team, two-time All-Defen­sive team member at four-time All-Star.

Matapos ang makulay na career sa Toyota ay lumipat ang Filipino Olympian sa Gilbey’s Gin na naging Ginebra kung saan niya pinasikat ang ‘Never Say Die’ mantra ng franchise.

Si Jaworski ang kauna-unahang playing-coach na nawagi ng PBA championship noong 1986 Open Con­ference at humawak sa unang all-pro team sa Bei­jing Asian Games at ki­nuha ng tropa ang silver medal.

Bilang isa sa mga itinuturing na best ever point guards sa PBA history ay si Jaworski pa rin ang may hawak ng all-time record para sa pinakamaraming assists na 5,825.

Bahagi siya ng original 25 Greatest Players sa PBA history at isang first ballot PBA Hall of Famer bi­lang miyembro ng inau­gu­ral 2005 Class.

Noong 2012 ay ipinagdiwang niya ang kanyang No. 7 jersey na opisyal na iniretiro ng Ginebra.

M­atapos ang kanyang makulay na basketball ca­­reer ay sumalang si Ja­­worski sa public service at nanalo bilang Senador at nagsilbi noong 1998 hanggang 2004.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with