^

PSN Palaro

NU inilusot ni Figueroa

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
NU inilusot ni Figueroa
Umangat si Jake Figueroa ng NU para s akan- yang layup laban kay Jorick Bautista ng FEU.
UAAP Photo

MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang National University bago naitakas ang mahirap na 62-60 panalo kontra Far Eastern University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Gumapang ang Bulldogs mula sa 13-point pagkakalubog sa fourth quarter matapos silang tulungan sa opensa ni Jake Figueroa at ilista ang unang panalo sa dalawang laro.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Figueroa matapos magtala ng wa­long puntos, anim na rebounds, anim na assists at tatlong steals para sa NU na ipinalasap sa Tamaraws ang pangalawang sunod na talo.

May 0-2 karta naman ang FEU na nabura ang 13 puntos na bentahe 57-44 nang harurutin sila ng Bulldogs ng 15-0 run sa payoff period.

May tsansa sanang ma­nalo ang Tamaraws pero sinablay ni Janrey Pasaol ang krusyal na tatlong free throws may 1.1 segundo na lang sa orasan kaya masaklap ang pagkatalo ng mga tropa ni head coach Sean Chambers.

“Siyempre yung lear­ning namin dito, ‘di kami pwedeng mag-start slow. Yun ang sinasabi ko sa kanila, dapat yung effort nandoon, 110-percent all-out,” ani NU coach Jeff Napa.

Bumakas para sa Bulldogs si PJ Palacielo na tumikada ng siyam na puntos at anim na rebounds.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with