FEU Secret
May pakulo si Sean Chambers, ang dating Best Import sa PBA na ngayon ay head coach ng FEU Tamaraws sa UAAP.
Sa game ng FEU kontra Adamson last week, kapansin-pansin ang mga placards na hawak at tinataas ng isang coaching staff sa bench during the game.
Ang nakita ko, placard ng mukha ni Trae Young ng Atlanta Hawks sa NBA.
Sabi ni Chambers, senyales ito ng isang particular play. Baka tres or low post or pick and roll, dehins natin alam.
Sa UAAP daw kasi, napakaingay ng fans, may mga tambol at torotot pa, na minsan eh imposible na magkarinigan kung tatawag ang coach ng play.
Minsan, kahit ang pito ng referee eh dehins madinig.
Kaya ito ang gimik ni Chambers. Pag inangat ang placard, alam ng players kung ano ang play. Anya, secret nila ito at dehins alam ng ibang teams.
Eh pano kung pag-aralan ng mga kalaban? May solusyon si Chambers, gagamit sila ng iba-ibang mukha. Baka next time mukha naman daw ni Johnny Abarrientos or ni Jojo Lastimosa or ibang NBA players.
Ang akin lang, ‘wag sana malito ang sarili niyang players kung paiba-iba ng mga mukha sa placards. Baka imbes na low-post play eh tumira ng tres.
Abangan natin sa next game ng FEU kontra NU Bulldogs sa Sabado.
Olats ang FEU sa first game nito vs Adamson.
- Latest