^

PSN Palaro

Gold sa Creamline

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gold sa Creamline
Nagdiwang sina Bea De Leon at Bernadeth Ponsng Creamline matapos talunin ang Akari para sa gold medal match.
PVL Image

Cignal inangkin ang 5th bronze

MANILA, Philippines — Bagama’t wala ang kanilang tatlong key pla­yers ay nagawa pa rin ng Creamline na sungkitin ang pang-siyam na korona.

Winalis ng Cool Sma­shers ang Akari Chargers, 25-15, 25-23, 25-17, sa kanilang ‘winner-take-all’ championship game ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa harap ng 8,289 fans kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumida sina American import Erica Staunton, Bernadeth Pons at Michele Gumabao para sa tagum­pay ng tropa ni coach Sherwin Meneses.

“Siyempre, lahat naman ng championship namin proud ako. Ito medyo mas maganda kasi marami kaming players na kulang,” ani Meneses.

Inangkin ng Creamline ang ikatlong sunod na titulo matapos pagreynahan ang 2023 Second All-Filipino at 2024 All-Filipino Confe­rence sa kabila ng hindi paglalaro nina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos at Alas Pilipinas member Jema Galanza.

Nabalewala ang 10-0 record ng Akari na inabot ng nerbiyos sa kanilang unang PVL finals appea­rance simula nang sumali sa liga noong 2022.

Samantala, hindi man ito ang ka­nilang tinatarget ay kuntento na rin ang Cignal HD sa nakuhang bronze medal.

Dinaig ng HD Spikers ang PLDT High Speed Hitters, 20-25, 25-19, 25-18, 25-23, sa agawan sa third place .

Ang pang-limang tanso ng Cignal ang pinakamaraming nahakot ng isang koponan sa PVL history.

Pumangatlo rin ang tropa ni coach Shaq Delos Santos sa 2022 edition ng Reinforced Conference na pinagreynahan ng Petro Gazz.

Humataw si Vene­zuelan import MJ Perez ng 26 points mula sa 22 attacks, tatlong blocks at isang ace para sa Cignal at may 20 markers si Ces Molina.

Pinamunuan ni Russian reinforcement Elena Samoilenko ang High Speed Hitters sa kanyang 35 points buhat sa 34 hits at isang block.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with