Hotshots ibinagsak ang Dyip sa 0-4
MANILA, Philippines — Nang mag-init ang Magnolia sa first quarter ay hindi na ito napigilan ng Terrafirma.
Pinatumba ng Hotshots ang Dyip, 124-103, para makabangon sa kabiguan sa sa Group A ng PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
“We did very well. We started strong and we play on our phase, and I think our defense dictate right away,” sabi ni coach Chito Victolero.
Bumanat si shooting guard Jerrick Ahanmisi ng 24 points tampok ang apat na four-point shots para sa 2-2 kartada ng Magnolia.
“I think my efficiency comes from my practice everyday. When I’m going to practice early and kinda stay after try to get shot up and try to improve my game everyday,” ani Ahanmisi na nagsalpak din ng dalawang three-point shots.
Nagdagdag si import Glenn Robinson III ng 20 markers at may 15, 14, 13 at 12 points sina Zav Lucero, Ian Sangalang, Paul Lee at Joseph Eriobu, ayon sa pagkakasunod.
Bagsak ang Terrafirma sa 0-4 marka bunga na rin ng nalasap na injury nina guard Juami Tiongson at big man Kemark Carino sa first half.
Umiskor si Stanley Pringle ng 23 points, habang may 22 markers si Christian Standhardinger para sa tropa ni coach Johnedel Cardel.
Isinara ng Magnolia ang first half bitbit ang 63-32 kalamangan bago isalpak ni Lee ang isang four-pointer na nagbaon sa Terrafirma sa 67-32 sa pagbubukas ng third period.
- Latest