^

PSN Palaro

Gilas Boys handa na sa FIBA U18 Asia Cup

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasado na ang Gilas Pilipinas boys para sa kampanya nito sa 2024 FIBA U18 Asia Cup simula sa Lunes sa Amman, Jordan matapos ilabas ang full roster nito at groupings.

Babanderahan ni ace guard Andy Gemao ang kabataang Pinoy sa Asian tilt na nakatakda hanggang sa Setyembre 9 para sa misyong makapasok din sa 2025 FIBA U19 World Cup sa Switzerland.

Nauna na itong nagawa ng Gilas U16 noong nakaraang taon nang magtapos sa Final Four ng FIBA 16 Asia Cup Cup upang makapasok sa FIBA U17 World Cup na ginanap sa Turkey.

At determinado ang mga bataan ni coach Josh Reyes na maduplika ito sakay ng pagwalis nila sa SEABA Qualifiers upang makapasok sa FIBA Asia.

Umiskor ng 27.3-point winning margin average ang Gilas matapos kaldagin ang Indonesia, 87-64, host Malaysia, 97-71, at Thailand, 87-54.

Pero ibang laban ang FIBA Asia lalo’t bigating mga katunggali ang makakatapat ng world No. 25 na Gilas sa Group D tampok ang No. 27 na New Zealand, No. 51 na Jordan at No. 73 na Indonesia ulit.

Unang makakasagupa ng Gilas ang Indonesia sa Lunes, Jordan at New Zea­land sa Martes at Miyerkules, ayon sa pagkaka­sunod.

Kailangang maging No. 1 team ang Gilas sa group phase upang makasikwat agad ng awtomatikong tiket sa quarterfinals dahil ang No. 2 at No. 3 teams ang kailangan pang dumaan sa qualification. Sibak agad ang kulelat na koponan.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with