^

PSN Palaro

Gawilan, Bantiloc ibabandera sa Paralympics opening

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang Team Philippines sa world stage sa pagrampa ng Pinoy para-athletes sa opening ceremony ng 2024 Paralympic Games sa Paris, France.

Mangunguna para sa Team Philippines sina swimmer Ernie Gawilan at para archer Agustina Bantiloc na siyang magsisilbing flag bearers sa opening rites na gaganapin sa Place de la Concorde.

Target ni Gawilan na madala ang malalim na karanasan nito sa Paris Paralympics matapos magwagi ng gintong medalya sa Asian Para Games at Asean Para Games.

Ito ang ikatlong sunod na appearance ni Gawilan sa Paralympics matapos masilayan sa Rio de Janeiro noong 2016 at Tokyo noong 2021.

Kasama rin sa dele­gasyon sina swimmer Angel Otom, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, javelin thrower Cendy Asusano at taekwondo jin Allain Ganapin.

Nauna nang nanawagan si Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann na suportahan ang Pinoy athletes gaya ng pagsuporta ng buong bansa sa Team Philippines sa Paris Games.

Galing ang Pilipinas sa matagumpay na kampan­ya sa Paris Olympics kung saan nag-uwi ang Team Philippines ng dalawang ginto at dalawang tansong medalya.

Nagbulsa si gymnast Carlos Yulo ng ginto sa men’s floor exercise at men’s vault habang may tig-isang tanso sina bo­xers Aira Villegas at Nesthy Petecio.

Kaya naman maganda ang momento ng Pilipinas na sumabak sa Paris Games.

PARALYMPICS GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with