^

PSN Palaro

4 teams mag-uunahan sa semis spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
4 teams mag-uunahan sa semis spot
Yeny Murill.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na tropa ang mag­lalaban para sa dalawang semifinals berth sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Con­­ference sa FilOil Eco­Oil Centre sa San Juan.

Lalabanan ng No. 1 Aka­ri ang No. 8 Farm Fresh sa alas-6 ng gabi ma­­tapos ang upakan ng No. 2 Cignal HD at No. 7 Capital1 Solar Energy sa alas-4 ng hapon sa knockout quarterfinals.

Kinumpleto ng Chargers ang eight-game sweep sa elimination, habang napasa­ka­may ng Fo­xies ang huling quarterfinal spot matapos siba­klin ng PLDT High Speed Hitters ang Choco Mucho Flying Titans via four-setter noong Huwe­bes.

Winalis ng Akari ang Farm Fresh, 25-19, 25-22, 25-19, sa una nilang pag­tu­­tuos noong Agosto 20.

Ang nasabing panalo ng Chargers sa Foxies ang kanilang pang-walong sunod na ratsada.

“Para sa akin, parang itong 8-0 part lang talaga siya ng process eh,” ani Aka­ri outside spiker Grethcel Soltones. “Hindi siya ‘yung talaga ‘yun na ‘yun. Iyon nga, sabi ko sa mga teammates ko in every huddle na itong ginagawa natin, ito iyong magdadala sa atin kung saan natin gus­to pumunta pero kahit nag 8-0 tayo ngayon, wala pa ring kasiguraduhan.”

Muling makakatuwang ni Soltones sina American import Oly Okaru, Ivy Lac­sina, Ced Domingo at Michelle Cobb.

Itatapat ng Farm Fresh sina Amerian reinforcement Yeny Murillo, Trisha Tu­bu, Caitlyn Viray, Rizza Cruz at Aprylle Tagsip.

Samantala, pipilitin ng Cig­­nal na madalawahan ang Capital1 na kanilang ti­­­nalo, 25-20, 25-17, 23-25, 25-13, noong Hulyo 27.

“Ready naman ang team (for the quarters) pe­ro kailangan pa ding mag-ingat, magpakondisyon at mag-focus,” wika ni HD Spi­kers coach Shaq delos Santos na muling aasa ki­na Venezuelan import MJ Perez, Ces Molina, Gel Ca­yuna at Jacquei Acuña.

Sina Russian import Ma­­rina Tu­shova, Jorelle Singh, Des Clemente, Leila Cruz at Iris Tolenada ang sasandalan ng Solar Spi­kers.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with