Golden Flippers kampeon sa Swim Battle
MANILA, Philippines — Hinirang na overall champion ang Golden Flippers Swim Club ni coach Reynante Panlaqui sa Swim Battle ‘Splash and Dash Distance Swim Series’ nitong weekend sa world-class Muntinlupa Aquatic Center indoor pool sa Muntinlupa City.
Naungusan ng Golden Flippers tankers ang 53 koponan sa ikalawa sa tatlong serye ng torneo na inorganisa ng Swim League Philippines (SLP) na pinamumunuan ni Fred Ancheta sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa liderato ni Mayor Ruffy Biazon.
Nasa 503 swimmers mula sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region ang sumali sa torneo bilang bahagi ng kontribusyon ng SLP sa grassroots development program ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) – ang aquatic body ng bansa.
Pumangalawa ang Bulacan Water Dragons Swim Team ni coach Rafael Celso kasunod ang Betta Caloocan Swimming Team ni coach Angie Evangelista.
Kabilang sa top 7 teams ang Carmona Angelfish Swim Team ni coach Mae Carmona, PH BEST Elite Swim ni coach Jeremiah Paez, Aquasonic ni coach Erwin Evangelista, at Turumba Guadalupe ni coach Emmanuel Abin.
Limang manlalangoy – sina Kim RJ De Castor, Rod Anton Von Caniedo, Jeffrey Luis Chico, at Miguel Fallarcuna -- ang pinagkalooban ng Special Awards.
Gayundin, ang Most Outstanding Swimming (MOS) Awardees sa Open Class (19-over) ay sina Alarie Somuelo at Raven Henry, habang ang MOS sa Class A ay sina Maya Aglibut, Dominique Savilla, Audrina Victor, Jordane Porsche Sales, Say Henry, Ermalaine Matienzo, Tanya Mae Orijuela, Alarie Somuelo Jairus De Leon, Ethan Joseph Parungao, Alister Arnaldo, Ethan Manuel Elimos, Aishel Evangelista, Gerald Esquivel, Kiko Mirasol, Raven Henry.
Sa Class B, ang MOS awardees ay sina Izella Caitley Geonigo, Princess Lhayrish Santos, Xia Veniz Ysabelle Calara, Ma. Beatrice Tabunar, Mignonette Legaspi, Jazmine Lorraine Cueto, Apple Margaret Abin, Beloved Kent Mendoza, Marcus Isaiah Solsona, Josef Benedict Panlilio, Shawn Daniel Hernandez, Jeane Patrick Llanes, at Kent Frederick Geraldizo.
Ang MOS awardee sa Class C ay sina Yassi Hosanna Mendoza, Keziah Amanda Davadilla, Dhane Ashley Murray, Gabriella Mayola, Shiela Danna Santiago, Danica May Aquino, Anika Bette Reese Miranda, Zachary Cole Bordeos, Elijah Avila, Gen Aglibut, Arthur Francesco Montesa, Alekhine Jonas Austria, Iñigo Ezekiel Manabat at Frank Johncent Preagola,
Ang susunod na torneo ng SLP ay ang 3rd Susan Papa Legacy Cup sa Agosto 17 sa Philippine Columbian Association (PCA) sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
- Latest