^

PSN Palaro

Tushova hinataw ang bagong PVl record

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tushova hinataw ang bagong PVl record
Capital1 import Marina Tushova.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Sinira ni Marina Tushova ang sarili niyang Premier Volleyball League (PVL) all-time single-game scoring record sa hinataw na 49 points sa five-set win ng Capital1 Solar Energy sa Nxled sa Pool D ng 2024 Reinforced Conference noong Sabado.

Ngunit inamin ng Russian import na halos hindi niya maigalaw ang kanyang kanang braso ilang araw bago labanan ng Solar Spikers ang Chameleons.

“I was taking a ball on defense, and I pulled my muscles on my right hand. Next day, I couldn’t do like this,” ani Tushova sa kanang braso niya.

Noong Biyernes ay buong araw niyang ipinahinga ang kanyang kanang braso at uminom ng gamot para mawala ang pagkirot.

“The hardest moment was on the serve, you have to serve and now it’s going to hurt you. After you attack, you spike and spike, but you don’t feel anything,” sabi ng outside hitter. “You feel but the pain doesn’t matter.”

Nauna nang humataw si Tushova, miyembro ng Russian national team na nagreyna sa 2016 Europe Under-19 Championships, ng 45 markers sa panalo ng Capital1 sa Choco Mucho noong Agosto 1.

Nasa kanilang three-game winning streak para sa 4-2 record, inilapit ng Solar Spikers ang sarili para sa quarterfinals berth.

Kailangan na lamang manalo ang Capital1 sa Farm Fresh sa Huwebes papasok sa knockout quarterfinals.

MARINA

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with