^

PSN Palaro

Valdez hanga kay Delgaco

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Saludo si volleyball star Alyssa Valdez kay rower Joanie Delgaco na lumalaban sa 2024 Paris Olympics rowing competitions.

Nagpasalamat si Valdez sa sakripisyo ni Delgaco upang mabigyan ng karangalan ang bansa sa Olympics.

Alam ni Valdez ang paghihirap ng isang atleta sa training dahil naging bahagi rin ito ng national team sa mga nakalipas na taon.

Kaya naman mataas ang respeto ng Creamline veteran player sa lahat ng atletang lumalaban para sa Pilipinas.

“Kahit anong mangyari buo ang tiwala namin sa iyo. Anuman ang mangyari sa journey mo ngayong Olympics, saludong-saludo kami sa iyo,” ani Valdez.

Bago maging rower, naglaro muna si Delgaco ng volleyball noong nasa high school pa lamang ito.

At isa si Valdez sa mga hinahangaan nitong player sa mundo ng volleyball.

Umaasa si Valdez na makakapanood si Delgaco sa mga laro ni Valdez.

“I can’t wait to see you here in the Philippines at makapanood din ng mga volleyball games. Mas marami kang nai-inspire na mga atleta hindi lang ako,” ani Valdez.

Isa si Delgaco sa 22 atletang Pinoy na bahagi ng Team Philippines sa Paris Olympics.

Si Delgaco ang kauna-unahang Pinay rower na nagkwalipika sa Olympic Games.

Sa kabuuan, may apat na Pinoy pa lamang na nakapag-Olympics.

Nauna na sina Cris Nievarez noong 2020 Tokyo Olympics, Benjamin Tolentino noong 2000 Sydney Olympics at Edgardo Maerina noong 1988 Seoul Olympics.

ALYSSA VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with