^

PSN Palaro

Win No. 4 hahatawin ng Cignal vs Petro Gazz

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Win No. 4 hahatawin ng Cignal vs Petro Gazz
Cignal HD
PVL

MANILA, Philippines — Hahatawin ng Cignal HD ang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa nagdedepensang Petro Gazz sa Pool B ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maghaharap ang HD Spikers at Gazz Angels ngayong ala-1 ng hapon kasunod ang salpukan ng Choco Mucho Flying Titans at Capital1 Solar Spikers sa alas-3 ng hapon at ang banggaan ng Akari Chargers at ZUS Coffee Thunderbelles sa alas-5 ng hapon.

Tabla sa itaas ng team standings ang Akari at Cignal sa magkapareho nilang 3-0 kartada kasunod ang Choco Mucho (1-2), Petro Gazz (1-2), Capital1 (1-2) at ZUS Coffee (0-3).

Nagmula ang HD Spi­kers sa 25-20, 25-17, 23-25, 25-13 paggupo sa Solar Spikers kung saan buma­nat si Venezuelan import MJ Perez ng 23 points mula sa 20 attacks, dalawang aces at isang block bukod sa 15 excellent receptions at 12 excellent digs.

“Knowing din naman our team, kapag gusto nilang bumawi, gagawin nila ang lahat para maipanalo,” ani Cignal coach Shaq Delos Santos sa inilaro nila kontra sa Capital1.

Pilit namang babangon ang Petro Gazz mula sa nalasap na 25-23, 25-21, 23-25, 27-29, 14-16 kabiguan sa Akari.

Sa huling laro, puntirya rin ng Chargers ang pang-apat na dikit na panalo para masolo ang liderato laban sa Thunderbelles na determinadong mapasama sa win column.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with