^

PSN Palaro

La Salle tankers tig-5 ginto ang pinalubog

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idinagdag nina Kirk Dominique Reyes at Janelle Kyla Chua ng De La Salle University-Manila ang tig-dalawang gold medal sa swimming event ng 2nd Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games Luzon NCR Leg kahapon sa De La Salle University-Dasmariñas swimming pool.

Nagdomina ang 19-anyos na si Reyes sa boys’ 200m breaststroke sa bilis na 32.14 segundo at sa 100m butterfly sa tiyempong 1:02.65 para ikuwintas sa nauna niyang mga panalo sa 200m Individual Medley, 200m breaststroke at 50m butterfly sa Philippine Navy bracket.

Nanguna naman ang 19-anyos ding si Chua sa girls’ 50m breaststroke sa 41.70 segundo at sa 100m butterfly sa 1:11.19 para idagdag sa pinagreyna­hang 100m freestyle, 50m butterfly at 50m backstroke sa Navy unit

Sa kabuuan ay huma­kot ang mga La Salle cadets ng tig-limang ginto para sumampa sa National Finals na nakatakda sa Agosto 18-24 sa Indang, Cavite.

Ang mga gold at silver medalists sa 14 sports events ay awtomatikong maglalaro sa National Finals ng ROTC Games na konsepto ni Sen. Francis Tolentino katuwang ang Department of National Defense, Commissioner on Higher Education at Philippine Sports Commission.

Sa Cavite State University (CvSU) track oval, naghagis si Christine Ramos ng Fullbright College ng 7.97m para angkinin ang ginto sa women’s shot put sa Air Force unit, habang nanalo si Ann K­atherine Quitoy (9.16m) ng La Salle sa Navy at si Divine Bacus (9.10m) ng PUP sa Army.

DE LA SALLE UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with