^

PSN Palaro

Delgaco sasagwan sa quarterfinals

Pilipino Star Ngayon
Delgaco sasagwan sa quarterfinals
Pinay rower Joanie Delgaco
STAR/File

PARIS — Nakakuha ng pag-asa para sa gold medal si Olympic rookie rower Joanie Delgaco matapos bumandera sa repechage 1 papasok sa quarterfinals ng 2024 Paris Games women’s single sculls event.

Sumagwan si Delgaco ng 7:55.00 para banderahan ang mga karibal sa 2,000m race sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium.

Nauna nang nabigo si Delgaco, ang unang Filipina rower na nakalaro sa summer spectacle, na makapasok sa top three sa Heat 2 patungo sa quarterfinals.

Sa nasabing karera ay nagtala si Delgaco ng 7:56.26 para sa fourth place.

Inungusan ni Delgaco sina Vietnamese Thi Hue Pham, Cuban Yariulvis Cobas Garcia, Evidelia Gonzalez Jarquin ng Nicaraguan at Akoko Komlanvi ng Togo.

“Maganda ang start at na-sustain,” wika ni coach Ed Maerina sa ipinakita ng 26-anyos na si Delgaco.

Nakatakda ang quarterfinals sa Martes kung saan inaasahang ibibigay ni Delgaco ang lahat para makaabante sa semifinals at buhayin ang tsansa sa medalya.

Sa 2021 Tokyo Olympics ay pumasok din si Chris Nievarez sa quarterfinals bago tumapos sa ika-23 mula sa kabuuang 31 kalalahok.

JOANIE DELGACO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with