Cignal target ang liderato vs Capital

sa si Ces Molina sa mga aasahan ng Cignal HD sa pagsagupa sa Capital1.
PVL

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagtatala ng 2-0 kartada sa Pool B ay may mga bagay pa ring kailangang gawin ang Cignal HD.

“Iyong attacks lang namin and siguro more on iyong communication ng setter to attacker na kailangan maging mas aggressive kami,” ani coach Shaq delos Santos. “So kailangan mas ma-control pa namin iyon. And mas maging aggressive and focus kami sa attack namin.”

Target ang ikatlong sunod na panalo para masolo ang liderato, lalabanan ng HD Spikers ang Capital1 Solar Spikers ngayong ala-1 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Akari Chargers at nagdedepensang Petro Gazz Angels sa alas-3 ng hapon.

Magtatagpo naman sa alas-5 ng hapon ang Choco Mucho Flying Titans at ZUS Coffee Thunderbelles.

Magkasosyo sa unahan ang Cignal at Akari sa magkatulad nilang 2-0 baraha kasunod ang Petro Gazz (1-1), Capital1 (1-1),Choco Mucho (0-2) at ZUS Coffee (0-2).

Pinatumumba ng HD Spikers ang Flying Titans, 25-18, 25-21, 25-16, at Thunderbelles, 25-18, 29-27, 21-25, 25-22, habang umiskor ang Solar Spikers ng 26-24, 25-20, 25-18 panalo sa Gazz Angels.

Sa nasabing panalo sa Petro Gazz ay sinandigan ng Capital1 si rookie setter Iris Tolenada.

Nauna nang natalo ang Solar Spikers sa Chargers, 18-25, 25-27, 25-22, 14-25.

Show comments