Barefield, Mitchell pinapirma ng Bossing

MANILA, Philippines — Magkasunod na pinapirma ng Blackwater ang mga rookie contract na sina PBA Season 49 No. 2 overall pick Sedrick Barefield at DJ Mitchell sakto para sa darating na Governors’ Cup.

Isang two-year deal ang nilagdaan ni Barefield para sa Bossing na may kasamang player’s option sa ikalawa niyang taon.

Sa kanyang pagdating sa Pilipinas noong Lunes ay kaagad nagtu-ngo ang produkto ng MSU Mustangs sa ensayo ng Blackwater kung saan niya nakasalamuha si coach Jeffrey Cariaso at kanyang mga teammates.

Isang one-year contract naman ang pinirmahan ng dating De La Salle Green Archers guard na si Mitchell na nakuha ng Bossing sa third round bilang No. 26 overall selection.

Isang season lamang naglaro si Mitchell sa Green Archers at hindi nakasama sa championship run ng La Salle sa Season 86 dahil sa back injury.

Naglaro ang Fil-Am guard para sa Manila Stars team sa MPBL bago lumahok sa nakaraang PBA Draft.

Bubuksan ang PBA Season 49 Governors’ Cup sa Agosto 18 tampok ang mga imports na may height limit na 6-foot-6.

Show comments