^

PSN Palaro

Dela Cruz, Nialla at Alinea bumida sa Speedo Novice at Sprint tourney

Philstar.com
Dela Cruz, Nialla at Alinea bumida sa Speedo Novice at Sprint tourney
Jean dela Cruz

MANILA, Philippines — Iginawad kina Jean Richeane Dela Cruz, Rhiana Kaydee Nialla at Aldrin Alinea ang Most Outstanding Swimmer (MOS) award sa 2024 Speedo Novice at Sprint Meet noong Sabado sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Lumangoy ang 15-anyos na si Dela Cruz ng Atlantean Dolphin Swim Team ng tatlong gold medal sa girls’ 15-years 25-meter backstroke (18.58), 25m butterfly (18.06) at 100m freestyle (1:20.16).

Wagi naman ang 14-anyos na si Niall ng Torpedo Swim sa girls’ 14-years 25-meter backstroke (22.66), 25m butterfly (20.44) at 100m freestyle (:29.09) sa torneong inorganisa ng Speedo at may basbas ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC).

Samantala, dalawang ginto ang inangkin ng 10-anyos na si Alinea ng RSS Dolphins sa kanyang mga panalo sa boys 10-yrears  class 100m freestyle (1:40.14) at 25m butterfly (26.68).

“Natutuwa kami sa dami ng mga kalahok na nagmula sa iba’t ibang swimming club sa National Capital Region (NCR),” ani PAI Secretary-General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

“Nagpapakita ito ng tunay na pagpapahalaga ng ating mga miyembro na palakasin ang kanilang mga prog­rama mula sa pagsasagawa ng mga summer camps at clinics, pagkatapos sa mga kompetisyon hanggang sa elite level,” dagdag ng two-time Olympian at Philippine Sports Hall-of-Famer.

Dalawang national tryouts ang inihanda ng PAI sa Agosto 15-18 (long course) at Agosto 20-23 (short course) sa RSMC.

Ang mga long course trials ay gagamitin para sa pagpili ng mga miyembro ng Philippine Team na lalahok sa 46th Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Disyembre at ang 55th Singapore National Age Group at 16th Malaysian Open Swimming sa 2025.

Ang short course trials ang magiging batayan para sa komposisyon ng national squad sa World Aquatics short course series.

Ang iba pang nagwagi ay sina Miguel Sison sa boys 100m freestyle (1;25.96), Paul Andrei Montes 15-years 100m free (1:16.50), Mikhail Vallestor 16-years (1:23.64), Pauline Zalameda sa girls 17-over 100m free (1:27.07), Candice Loraine Dia girls 110yrs 25m butterfly (21.44), Adelle Franchesca Tapucol 12-years (18.69), Jensen Flores 13-years (21.07), MJ Reyes 12-years 100m free (1:126m free) at Zoe Valera 13-years 100m free (1:27.93).

AQUATICS

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with