^

PSN Palaro

Speedo tilt sa RMSC sa July 20-21

Philstar.com
Speedo tilt sa RMSC sa July 20-21
Si PAI Secretary-General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.

MANILA, Philippines – Pakakawalan ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) at Speedo Philippines ang 2024 Speedo Swim Smart Novice and Sprint Meet sa Hulyo 20-21 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

Sinabi ni PAI Secretary-General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain na lahat ng swimming clubs sa bansa ay puwedeng maglahok ng kanilang mga batang atleta sa two-day meet.

“Ang tournament na ito ay para sa mga bata lalo na sa mga nagmumula sa mga summer camp at swimming lessons,” ani Buhain. “Pagkakataon ito ng ating mga coaches at swimming club members na makita iyong early development sa mga tinuruan nilang swimmers.”

Nagpasalamat din ang two-time Olympian at Philippine Sports Hall of Famer sa suporta ng Speedo at ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang nasabing event ay bahagi ng intensive level-up at promotion activities ng PAI para sa grassroots development program sa bansa.

Samantala, bukas na ang deadline sa pagsusumite ng ‘letter of intent’ para makasama sa delegasyon ng Pilipinas sa Asian Open Schools (AOSI) Short Course Championship.

Nakatakda ang torneo sa Agosto 17-18 sa Assumption University Aquatics Center sa Bangkok, Thailand.

Inorganisa ng World Aquatics-sanctioned Global Aquatics na nakabase sa Thailand, ang event ay magsisilbing qualification tournament para sa 2024 Belgium Short Course Championships at sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Championships.

Sa pamamagitan ng partnership ng PAI at Global Aquatics, naglaan ang Thailand organizers ng 50 slots para sa Philippine Team.

“Nakaka-inspire na ang AOSI ay naglaan ng 50 slots partikular para sa mga manlalangoy mula sa PAI, na nagpapakita ng malakas na partnership sa pagitan ng dalawang organisasyon. Susuportahan din ng PAI ang mga kalahok nito sa pamamagitan ng pagpapadali sa kanilang eligibility para sa travel tax exemption sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC),” ani PAI Executive Director Anthony Reyes.

ERIC BUHAIN

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with