^

PSN Palaro

Brownlee pasok sa FIBA OQT All-Star 5

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brownlee pasok sa FIBA OQT All-Star 5
Brownlee.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa matikas na ipinamalas nito sa buong panahon ng torneo, pasok si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee sa All-Star team ng FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Malaki ang ambag ni Brownlee kaya’t umabot sa semifinals ang Gilas Pilpinas sa Olympic qualifiers.

Nagtala si Brownlee ng averages na 23 points, 8.3 rebounds at 6.3 assists upang pamunuan ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa Latvia.

Kasama ni Brownlee sa Mythical 5 sina Tournament Most Valuable Player Bruno Caboclo at Leo Meindl ng Brazil, Rihards Lomazs ng Latvia at Jeremiah Hill ng Cameroon.

Magandang konsolasyon ito para kay Brownlee na ibinuhos ang lahat upang tulungan ang Pinoy squad sa torneo.

Mainit ang simula ni Brownlee nang kumana ito ng 26 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists nang gulantangin ng Gilas Pilipinas ang world No. 6 Latvia sa pamamagitan ng 89-80 desisyon.

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa isang European team sapul noong 1960 Rome Olympics nang talunin ng Pinoy cagers ang Spain sa iskor na 84-82.

Subalit kinapos lamang ang Gilas sa semifinals matapos umani ng 60-71 kabiguan sa kamay ng Brazil.

Nagkampeon ang Brazil nang ilampaso nito sa finals ang host Latvia sa bendisyon ng 94-69 desisyon.

Kalakip nito ang tiket ng Brazil sa Paris Olympics na magsisimula sa Hulyo 26 sa France.

Nakalikom lamang ng 15 puntos si Brownlee kontra Brazil kung saan tatlong puntos lamang ang nagawa nito sa second half matapos maglatag ng solidong depensa sa kanya ang Brazilians player.

BROWNLEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with