^

PSN Palaro

Gilas mananatiling intact— Panlilio

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas mananatiling intact— Panlilio
Al Panlilio.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mananatiling intact ang Gilas Pilipinas lineup sa kabila ng kabiguan nitong makahirit ng tiket sa Paris Olympics.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na ito ang programa ng asosasyon kung saan ang parehong buong Gilas Pilipinas squad ang isasabak para sa mga susunod na international tournaments na lalahukan nito.

Ayon pa kay Panlilio, may nabuo nang chemistry ang kasalukuyang Gilas pool kaya’t ito na ang parehong team na isasabak sa malalaking torneo.

Kabilang na rito ang FIBA Asia Cup, FIBA World Cup, SEA Games at Asian Games gayundin ang Olympic qualifying para sa Los Angeles Olympics sa 2028.

“We have great set of guys who also created a brotherhood, bond. The long term plan is to keep this together for upcoming tournaments,” ani Panlilio.

Kinapos ang Gilas sa katatapos na FIBA Olympic Qualifying Tournament matapos matalo sa eventual champion Brazil sa semifinals na ginanap sa Riga, Latvia.

Sa kabila ng kabiguan, pinatunayan ng Gilas na kaya nitong makipagsabayan sa mga world class teams kaya’t umani ng paghanga ang Pinoy ca­gers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“We fell short but I am very proud of the team. We can compete with the top-ranked teams in the world,” wika ni Panlilio.

Nakakuha ng panalo ang Gilas sa Latvia habang hindi hinayaan ng Pinoy squad na matambakan ito ng Georgia para makahirit ng tiket sa semis.

GILAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with