^

PSN Palaro

Gilas papalag sa Latvia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas papalag sa Latvia
Si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone habang nagmamando kontra sa Poland.
SBP photo

FIBA Olympic Qualifying Tournament

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito para sa inaasam na tiket sa Paris Olympics sa pag-arangkada ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Arena Riga sa Latvia.

Makakatipan ng Pinoy cagers sa unang asignatura nito ang world No. 6 Latvia sa alas-12 ng hatinggabi (oras sa Maynila).

Optimistiko ang Gilas Pilipinas coaching staff na handang-handa na ang kanilang tropa na makipagbakbakan lalo pa’t galing ito sa pukpukang ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bago tumulak sa Europa.

Sumalang pa ang Gilas Pilipinas sa tuneup game kontra Chinese-Taipei na sinundan ng dalawa pang friendly matches laban sa Turkey at Poland.

Kaya naman umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na lalaban ang kanyang bataan para makuha ang inaasam na tiket sa Paris Games.

Aminado si Cone na matinding laban ang haharapin nito lalo pa’t solido ang Latvia na tumapos sa ikalimang puwesto sa 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Manila noong nakaraang taon.

Wala sa lineup ng Latvia si Kristaps Porzingis na bahagi ng NBA champion Boston Celtics matapos itong sumailalim sa o­perasyon.

Wala rin si World Cup top scorer Andreis Grazulis sa  lineup ng Latvia na nakapaskil sa FIBA.

Gayunpaman, nananatiling malakas ang Latvia dahil nariyan pa sina power forwards Davis Bertans at Rolands Smits.

Solido ang mga numero ni Bertans na may averages na 12.0 points at 3.9 rebounds habang may 13 points, 4.4 rebounds at 1.3 assists na averages si Smits.

Sa kabilang banda, ipaparada ng Gilas Pilipinas si naturalized player Justin Brownlee kasama sina seven-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Kai Sotto.

Kailangan ng Gilas na makakuha ng panalo sa group stage upang mapalakas ang tsansa nito sa Paris spot.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with