^

PSN Palaro

Gilas tututok na sa FIBA OQT

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tututok na ang Gilas Pilipinas sa mas malaking labang haharapin nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na aarangkada sa Hulyo 2 sa Riga, Latvia.

Tinapos na ng Gilas Pilipinas ang dalawang tuneup games nito sa Europa kabilang ang dikit na 80-82 kabiguan sa kamay ng Poland sa kanilang huling laro sa Sosnowiec, Poland.

Walang duda na kayang makipagsabayan ng Gilas sa mga Europeans kung saan nagpasabog ng ma­tinding ratsada ang tropa sa huling sandali ng laro.

Bumida si Dwight Ramos sa pagpapasabog ng 5-0 run sa huling dalawang minuto para makadikit sa 77-82 matapos malugmok sa 10 puntos na pagkakabaon.

Dumikit pa ng husto ang Pinoy cagers nang maisalpak ni Chris Newsome ang isa sa dalawang free throws nito kasunod ang basket mula kay CJ Perez.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Gilas para maitakas ng Poland ang panalo.

Nakalikom si Ramos ng kabuuang 16 puntos  habang nagtala naman si naturalized player Justin Brownlee ng 30 puntos para pamunuan ang Gilas.

Nagdagdag si seven-time MVP June Mar Fajardo ng 10 puntos, tatlong rebounds at dalawang steals habang umiskor si Kai Sotto ng walong puntos at 11 boards.

Hataw si Italian Cup Most Valuable Player Michal Sokolowski ng 21 puntos tampok ang 3-of-4 sa three-point range para banderahan ang Poland.

Nauna nang natalo ang Gilas Pilipinas sa Turkey (84-73) sa kanilang unang tuneup game sa Istanbul.

Dadalhin ng Gilas ang karanasan nito sa kanilang kampanya sa Olympic qualifiers kung saan unang makakasagupa nito ang host Latvia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng madaling-araw (oras sa Maynila).

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with