^

PSN Palaro

Pinay Cagers nagdomina sa Fiba U18 Division B

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinay Cagers nagdomina sa Fiba U18 Division B
Pilit na tinakasan ni Ava Fajardo ng Gilas Pilipinas Women U18 team ang kanyang Lebanese defender.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Wala silang malalaking players, ngunit nasa puso ng mga Pinay dribblers ang determinasyong manalo.

Inilampaso ng Gilas Pilipinas Women Under-18 ang Lebanon, 95-64, sa finals ng 2024 FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B tournament kahapon sa Shenzhen, China.

Ang panalo ang nagbalik sa koponan sa Division A.

Umiskor si Alyssa Kae Rodriguez ng 17 sa kanyang 22 points sa first half para banderahan ang Gilas Women U18 team ni coach Julie Amos habang may 15 at 13 markers sina Alicia Villanueva at Naomi Panganiban, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag ng tig-10 points sina Ava Fajardo at Sophia Canindo para sa pagbabalik ng Pilipinas sa FIBA U18 Women’s Asia Cup Division A matapos noong 2010 sa ilalim ni coach Patrick Aquino.

Makakasama nila sa Division A ang Malaysia, Chinese Taipei, New Zealand, Japan, South Korea, China at Australia para sa 2026 tournament.

Nalampasan din ng tropa ang third-place finish sa nakaraang edisyon ng torneo noong 2022.

Nakapaglaro ang mga Pinay sa Division B tournament matapos walisin ang FIBA U18 Women’s Asia Cup SEABA Qualifiers.

Binanderahan ni Reem Al Ghali ang Lebanon sa kanyang game-high 31 points bukod sa 15 rebounds at 5 assists.

Nauna nang pinabagsak ng World No. 49 Gilas Women U18 squad ang No. 96 Maldives, 141-18, ang No. 86 Lebanon, 89-63, at No. 48 Samoa, 71-47 habang na-forfeit ang laro ng No. 51 Syria.

Mula sa maliit na 20-17 bentahe sa first period ay humataw ang mga Pinay dribblers ng 33 points sa kabuuan ng second quarter kasabay ng paglimita sa mga Lebanese sa siyam na puntos.

Umiskor si Rodriguez ng 17 points tampok ang limang triples sa first half na kanilang tinapos tangay ang 53-26 kalamangan.

Lalo pa nilang ibinaon ang mga Lebanese sa 40-point lead, 72-32, matapos ang tres ni Jolzyne Impreso sa 5:40 minuto ng third period patungo sa 93-54 abante sa huling 4:14 minuto ng final canto.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with