^

PSN Palaro

Gilas may tsansa sa Paris Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas may tsansa sa Paris Olympics
ng Gilas Pilipinas matapos matalo sa Turkey sa kanilang friendly match sa Istanbul.
SBP Photo

MANILA, Philippines —  Kayang makipagsabayan ng Gilas Pilipinas sa mga world class team kaya’t kung papalarin, posibleng makahirit ito ng tiket sa Paris Olympics.

Ito ang paniniwala ni Gilas Pilipinas team ma­nager Richard Del Rosario matapos ang tuneup game ng Gilas Pilipinas kontra sa Turkey.

Nagawang makipagsabayan ng Gilas Pilipinas sa matinik na tropa ng Turkey ngunit kinapos lamang ito sa huling bahagi ng laro upang lasapin ang 73-84 kabiguan.

Sa kabila ng pagkatalo,  masaya ang coaching staff ng Gilas Pilipinas dahil magandang oportunidad ito upang mas lalo pang mahasa ang tropa bago sumalang sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Riga, Latvia.

Ito ang magiging tulay ng Gilas Pilipinas para makahirit ng tiket sa Paris Olympics.

“We can hold our own against higher ranked teams with a real chance of reaching our mission of making it to Paris,” ani Del Rosario.

Nakatakdang makasagupa ng Gilas Pilipinas ang world ranked No. 15 Poland Linggo ng madaling araw (oras sa Maynila).

Sumalang ang Gilas Pilipinas sa dalawang tuneup games para mas lalo pang mabuo ang chemistry ng tropa bago tumulak sa Latvia.

Nais din ng Gilas c­oaching staff na magamay ang European playing style lalo pa’t lalaban ang Pinoy cagers sa mababangis na tropa ng Latvia at Georgia sa Group Stage ng Olympic qualifiers.

Kung maipapanalo ng Gilas Pilipinas ang isa sa dalawang laro nito sa Group Stage, aabante ang tropa sa crossover semifinals.

Nasa Group A ang Pilipinas kasama ang host Latvia at Georgia habang nasa Group B naman ang Cameroon, Brazil at Montenegro.

Hinahasa rin ni Gilas head coach Tim Cone ang kanyang bataan na wala si point guard Scottie Thompson na hindi nakasama dahil sa back injury.

Sina Dwight Ramos, Chris Newsome at CJ Pe­rez ang papalit sa posisyon ni Thompson bilang point guard.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with