^

PSN Palaro

Gilas Boys bagsak sa Lithuania

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabiguan kaagad ang bumungad sa Gilas Pilipinas Boys matapos ang 48-107 pagyukod sa Lithuania sa Group A sa pagsisimula ng 2024 FIBA U17 World Cup kahapon sa Istanbul, Turkey.

Pinamunuan ni CJ Amos ang mga Pinoy dribblers sa kanyang 10 points at may walo, pito at anim na marka sina Kurt Nathan Velasquez, Bonn Ervin Daja at Noah Matteo Banal, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naglaro si star guard Kiefer Alas dahil sa knee injury.

Nakatakdang labanan ng World No. 25 Gilas Pilipinas U17 ang No. 2 Spain ngayong alas-8:30 ng gabi (Manila time) kasunod ang pagharap sa No. 15 Puerto Rico sa alas-8 ng gabi sa Martes.

Nakakuha ng tiket ang mga Pinoy sa world stage matapos ang fourth place finish sa 2023 FIBA U16 Asian Championship.

Ginamit ng World No. 7 Lithuania ang kanilang height advantage para kunin ang 23-13 bentahe sa first period patungo sa 46-25 pagtambak sa Gilas U17 team mula sa two-handed dunk ni Dovydas Buika sa huling adalawang minuto ng second quarter.

Lalo pang lumayo ang mga Lithuanians sa third canto sa pagtatala ng 76-33 kalamangan at hindi na nilingon pa ang mga Pinoy cagers.

Dinomina ng mga L­ithuanians ang reboun­ding sa hinakot na 61 boards kumpara sa 32 ng tropa ni coach Josh Reyes.

May walong assists lamang ang Gilas U17 laban sa 31 ng Lithuania.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with