Creamline isasalang si Staunton sa Reinforced Conference
MANILA, Philippines — Si American import Erica Staunton ang isasalang ng Creamline para sa darating na 2024 PVL Reinforced Conference na hahataw sa susunod na buwan.
Sasandalan ng eight-time PVL champions na Cool Smashers ang 6-foot-3 na si Staunton lalo na hindi makakalaro sina Jema Galanza at Tots Carlos.
Sina Galanza at Carlos ay idinagdag sa Alas Pilipinas pool na sasabak sa aFIVB Challenger Cup for Women sa Hulyo 4-7 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
“We’re thrilled to announce that Erica Staunton, a dynamic 23-year-old open and opposite spiker from the USA, is joining the Creamline Cool Smashers family,” opisyal na pahayag ng Creamline sa kanilang social media post.
Puntirya ng Cool Smashers ang back-to-back crown matapos pagreynahan ang nakaraang PVL All-Filipino Conference laban sa Choco Mucho Flying Titans.
Hindi rin maglalaro para sa Flying Titans sina Sisi Rondina at Cherry Nunag na miyembro ng Alas Pilipinas.
- Latest