Dagdag na players para sa Alas Pilipinas
MANILA, Philippines — Umaasa si Alas Pilipinas team captain Jia De Guzman na may ilang players pang maidadagdag sa national pool para mapalakas ang tsansa sa mga lalahukang international tournaments.
Ang mga huling isinama sa tropa ay sina Creamline stars Jema Galanza at Tots Carlos at collegiate standouts Bella Belen at Alyssa Solomon ng UAAP champions National University Lady Bulldogs.
“We’re hoping na madagdagan pa kami para in the long run mas malalim iyong bench namin,” sabi ni De Guzman na bumandera sa makasaysayang bronze medal finish ng Alas Pilipinas sa nakaraang 2024 AVC Challenge Cup.
Sina Galanza, Belen at Solomon ay bahagi sana ng inisyal na Alas Pilipinas pool para sa 2024 AVC Challenge Cup.
Nakikipag-ensayo na sina Galanza, Carlos, Belen at Solomon sa national women’s team ni Brazilian coach Jorge Souza De Brito.
“We’re just taking it a day at a time, taking advantage of ‘yung preparation namin this time compared nung AVC, so hopefully, better results,” ani De Guzman.
Pinaghahandaan ng mga Pinay spikers ang darating na 2024 FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup na nakatakda sa Hulyo 4-7 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila
- Latest