^

PSN Palaro

Pacquiao may asim pa-- Sulaiman

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao may asim pa-- Sulaiman
Manny Pacquiao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May asim pa si eight-division world champion Manny Pacquiao na nasa magandang kundisyon pa rin para  lumaban sa isang regular na professional fight.

Ito ang paniniwala ni World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman matapos mapag-alaman na target nitong makaharap si WBC welterweight champion Mario Barrios.

Wala pang pormal na kahilingan si Pacquiao para makalaban si Barrios.

Kailangan ni Pacquiao na magsumite ng request sa WBC upang pahintulutan itong makalaban si Barrios.

“Pacquiao is a legen­dary boxer and without a doubt, he still has the attributes to get into the ring,” ani Sulaiman sa isang panayaw ng WBN.

Pasado si Pacquiao sa medial exams para sa kanyang exhibitin match laban kay Chihiro Suzuki sa Hulyo 28 sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

“He has passed his medical exams for a July 28 exhibition in Japan. He has great quality and is also of a historical level in boxing,” ani Sulaiman.

Kita sa pangangatawan ni Pacquiao na nasa magandang kundisyon ito.

Hindi mababakas ang anumang pagtaas sa timbang dahil madalas itong nakikitang nagwo-workout kahit wala itong laban para mapanatili ang kundisyon nito.

“The medical examinations have all been satisfactory, and he is a top-level boxer. Manny Pacquiao has already done everything he had to do in the ring, but I feel he is not at risk more than any other boxer,” ani Sulaiman.

Kung matutuloy ang laban, target itong maisa­gawa sa huling bahagi ng taon.

Sa ngayon, tututukan muna ni Pacquiao ang exhibition match nito kontra sa Japanese MMA fighter. 

MAURICIO SULAIMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with