^

PSN Palaro

Dawa kampeon sa Philippine STAR Olympics chessfest

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Dawa kampeon sa Philippine STAR Olympics chessfest
inanghal na kampeon si Elech Dawa (gitna) ha- bang nasikwat ni Joey Villar (kaliwa) ang 2nd place at 3rd place si Elmer Bacasmas sa chess tournament sa 2024 STAR Olympics.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  Matagumpay na nai­daos ang chess event ng Philippine STAR Olympics na pinagharian ni sportswriter Elech Dawa kahapon na nilaro sa fourth floor ng PhilStar Building sa Sucat, Parañaque.

Umiskor si Dawa ng 12.5 points sa nasabing chessfest na may 14-player single round robin Blitz event kung saan ay ipinatupad ang time control na three minutes plus two seconds increment.

Sinagasaan ni Dawa ang 12 tigasing woodpu­shers na kasali habang tabla kay former Polytechnic University of the Philippines chess varsity player at ve­teran sportswriter Joey Villar sa round 4.

Lumanding naman si Villar sa solo second place matapos umiskor ng 11.5 puntos, may tsansa sana ito na makisalo sa tuktok kay Dawa pero nasilat siya sa 13th at last round kay Junrey Duga-Duga.

Magkapareho ang puntos nina Elmer Bacasmas at Duga-Duga pero matapos idaan sa tie-break points ay nahirang na third placer ang una at pang-apat ang huli habang pang-lima si Marilou Escudero na nakalikom ng siyam na puntos.

Inupuan ni Res Orense ang sixth place na may walong puntos at pang pito si Ronnie Marquez na may six points sa tournament na dinaluhan ni CEO/President PhilSTAR Media Group Miguel Belmonte.

Sumali rin ang anak ng PhilStar Boss na si Santi at nirehistro nito ang 5.5 points sapat upang lumanding sa eighth place.

vuukle comment

ELECH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with