^

PSN Palaro

Alas Pilipinas men’s team sasalang vs China

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alas Pilipinas men’s team sasalang vs China
The Alas Pilipinas belles celebrate their mighty conquest of Team Australia for third place in the AVC Challenge Cup.
Russell Palma

MANILA, Philippines —  Sisimulan ng Alas Pilipinas ang pagduplika sa makasaysayang kampanya ng mga Pinay spikers sa pagpalo ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Men ngayon sa Isa Town, Bahrain.

Inangkin ng tropa nina Jia De Guzman, Eya Laure, Sisi Rondina at Angel Canino ang makasaysayang bronze medal ng bansa sa nakaraang AVC Challenge Cup for Women na inilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Ito ngayon ang pipiliting maduplika o malampasan ng grupo nina Marck Espejo, Jau Umandal at two-time UAAP MVP Josh Ybañez.

Unang lalabanan ng World No. 57 Pilipinas ang No. 31 China kasunod ang No. 67 Bahrain para sa pagtiklop ng pool play.

Sina Umandal, Espejo, Noel Kampton, Vince Patrick Lorenzo, Kim Malabunga at Lloyd Josafat ay miyembro ng koponang naglaro sa 2023 edition ng torneo at tumapos sa ika-10 puwesto.

Ang iba pang miyembro ng national team ni Brazilian coach Sergio Veloso ay sina JP Bugaoan, Owa Retamar, Nico Almendras, Jade Disquitado, Rewnzmel Taguibolos, Leo Ordiales at Joseph Bello.

Kasama ng Pilipinas ang China at Bahrain sa Pool, habang nasa Pool B ang 2023 champions Thailand, Kazakhstan at Pakistan.

Ang South Korea, Indonesia at Qatar ang bumubuo sa Pool C at nasa Pool D ang Vietnam, Australia at Chinese-Taipei.

AVC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with