^

PSN Palaro

Silver nilundag ni Obiena sa Oslo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Silver nilundag ni Obiena sa Oslo
Ang silver medal perfor- mance ni Olympic- bound pole vaulter Ernest John Obiena sa 2024 Bislett Games sa Oslo, Norway.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Nakabalik sa porma si Paris Olympics-bound Ernest John Obiena nang lundagin nito ang pilak na medalya sa 2024 Bislett Games sa Oslo, Norway.

Nagtala si Obiena ng 5.72 metro para masiguro ang ikalawang puwesto sa men’s pole vault event.

Napasakamay ni KC Lightfoot ng Amerika ang ginto tangan ang 5.82 metro.

Kasosyo ni Obiena sa ikalawang posisyon si Emmanouil Karalis ng Greece na may parehong 5.72 metro na nakuha.

Hindi naging madali ang lahat para kay Obiena.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling nasira ang pole nito.

Ipinakita ni Obiena ang lahat sa kanyang social media.

Nagpasalamat naman si Obiena sa mga tumulong sa kaniya.

Pinahiram si Obiena ng pole nina Lightfoot at Menno Vloon ng Nether­lands upang maipagpatu­loy nito ang kanyang kampanya.

Naghahanap na si Obie­na ng kapalit na pole para sa susunod na torne­ong lalahukan nito sa Stockholm, Sweden na bahagi pa rin ng Diamond League.

Makakalaban ni Obiena sa Stockholm si world record holder at world champion Mondo Duplantis ng Sweden na desididong wa­sakin ang world record sa harap ng kanyang kababayan.

OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with