^

PSN Palaro

Lyceum, EAC humataw ng upset win sa GVIL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lyceum, EAC humataw ng upset win sa GVIL
Minantsahan ng Junior Lady Pirates ang malinis na baraha ng De La Salle-Lipa, 25-19, 25-20, sa Pool A, habang kinalos ng Lady Brigadiers ang De La Salle-Zobel, 25-23, 25-22, Pool B.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagtala ng upset win ang Lyceum of the Philippines University at Emilio Aguinaldo College sa Sha­key’s Girls Volleyball In­vi­tational League (GVIL) ka­hapon sa Arellano Uni­ver­sity gym.

Minantsahan ng Junior Lady Pirates ang malinis na baraha ng De La Salle-Lipa, 25-19, 25-20, sa Pool A, habang kinalos ng Lady Brigadiers ang De La Salle-Zobel, 25-23, 25-22, Pool B.

Parehong inirehistro ng Lady Pirates at Lady Bri­gadiers ang 1-1 record.

Pinamunuan ni Philip Gancia ang opensa para sa LPU matapos magtala ng 10 markers, pero si Angelica Cruz ang nahirang na Best Player of the Game sa inilistang limang attacks at dalawang blocks.

Dahil sa panalo ng LPU ay nakabangon sila mula sa opening day loss kontra sa Bethel Academy sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Smart Sports, Mikasa, Team Rebel Sports, Data Project, Genius Sports at Robinsons Malls.

“Noong nangyari ang laro kahapon sobrang disappointed kami. Pero bumawi kami sa training kahapon at pinaghirapan naming makabawi sa mga errors namin sa game namin today,” pahayag ni Cruz. “Sobrang determi­nado kaming manalo nga­yon at maipakita ang best namin.”

Para sa EAC, si Angel Perez ang kumana ng 13 points kasama ang walong kills at limang service aces, habang tumipa si Florence Domo ng walong marka at may limang puntos si Ma­rinel Ramos.

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with