^

PSN Palaro

Pinoy spikers sasalang sa AVC Challenge Cup sa Bahrain

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinoy spikers sasalang sa AVC Challenge Cup sa Bahrain
Ang Alas Pilipinas na sasabak sa AVC Challenge Cup for Men sa Bahrain.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Matapos ang ma­ta­gumpay na kampanya ng Alas Pilipinas women’s team ay papagitna naman ang national men’s squad.

Hahataw ang mga Pinoy spikers sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Men na nakatakda sa Hun­yo 2 hanggang 9 sa Isa Town, Bahrain.

Babanderahan nina Marck Espejo at Jau Umandal ang Alas Pilipinas na nasa Pool A kasama ang China at 2023 runner-up at 2024 host Bahrain.

Kasama rin sa tropa sina JP Bugaoan, Lloyd Josafat, Vince Lorenzo, Owa Retamar, Kim Malabunga, Noel Kampton, Nico Al­men­dras, Jade Disquitado, Rewnzmel Taguibolos, Leo Ordiales, Joseph Bello at UST ace at UAAP Season 86 MVP Josh Ybañez.

Hindi makakasama si reig­ning Spikers Turf MVP Bryan Bagunas, bahagi ng Alas Pilipinas 21-man training pool, dahil sa kanyang paglalaro para sa Win Streak team sa Taiwanese league.

Sumalang na sina Es­pe­jo, Umandal, Kampton, Lo­­renzo, Malabunga at Jo­­safat sa 2023 edition ng torneo.

Hahawakan ni Brazi­lian coach Sergio Veloso ang Alas Pilipinas katulong si Choco Mucho mentor Dante Alinsunurin.

Unang lalabanan ng World No. 57 Pilipinas ang No. 31 China sa Linggo kasunod ang No. 67 Bahrain sa Hunyo 3.

Ang top team sa Pool A, B, C at D ang aabante sa semifinal round ng torneo.

AVC

MARCK ESPEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with