^

PSN Palaro

Ladon sibak na sa Olympic qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nalagasan ang national boxing team sa 2nd World Olympic Qualifying Tournament sa Bangkok, Thailand.

Ito ay matapos maagang mamaalam sa kontensiyon si Rio Olympics veteran Rogen Ladon sa men’s 51-kg.

Lumasap si Ladon ng 1-4 kabiguan sa kamay ni Rafael Lozano Jr. ng Spain sa first round ng kanyang dibisyon.

Kaya naman maiiwan ang pasanin sa tatlo pang Pinoy pugs na nag-aasam na makasungkit ng tiket sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

Buhay pa ang pag-asa nina Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam, Criztian Pitt Laurente at Hergie Bacyadan.

Nakatakdang sagupain ni Laurente si Mukhammedsabyr Bazarbay Uulu ng Kazakhstan sa men’s 63.5kg round of 32 Linggo ng gabi.

Aariba naman si Bacya­dan ngayong araw kontra kay Dunia Martinze ng Spain sa women’s 75kg division round of 16.

Sunod na makakasagupa ni Paalam si Shukur Ovezov ng Turkmenistan bukas (Martes).

Nais ni Paalam, Laurente at Bacyadan na makasama sa Paris Olympics sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas na nakahirit ng tiket sa Paris Games.

WORLD OLYMPIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with