^

PSN Palaro

Evangelista, Melencio, Santor kumuha ng MOA awards sa COPA meet

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Evangelista, Melencio, Santor kumuha ng MOA awards sa COPA meet
Ang gold-medal winning form ni Ricielle Melencio ng Pasig.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinirang sina Aishel Evangelista, Patricia Mae Santor at Ricielle Maleeka Melencio bilang Most Outstanding Swimmers sa kani-kanilang kategorya sa pagsasara ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) ‘One For All-All For One ‘ National Capital Region Swimming Championship kahapon sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Winalis ni Evangelista ang kanyang huling tatlong events para tapusin ang three-day meet na may walong golds at isang silver.

Inialay niya ang kanyang tagumpay sa namayapang father-coach na si Elcid, miyembro ng COPA, sa torneo ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at sinuportahan ng Speedo at Philippine Sports Commission (PSC).

Sa harap ng malaking crowd na kinabibilangan ng mga miyembro ng kanyang pamilya at COPA co-founder Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, nanguna ang Grade 8 student ng University of Santo Tomas sa boys’ 200m butterfly (2:20.16), 100m backstroke (1). :07.94) at 50m freestyle (26.83).

Ang bahagi ng mga kikitain ng event ay mapupunta sa kanyang pamilya.

Wagi rin ang pambato ng Betta Caloocan swim Team sa 100m freestyle (57.56), 400m IM (4:53.63), 200m freestyle (2:03.58), 100m butterfly (1:03.22), at 200m backstroke (2:27.58) at pumangalawa kay Kean Paragatos (31.34) sa 50m backstroke na may time na 31.39.

“Proud kami sa kanya. Talagang naka-focus sa laban kahit may pinagdadaanan. Ganyang mind-set ang kailangan natin sa Philippine Team,” ani Buhain na Secretary General ng PAI.

Panalo rin si Melencio sa girls 18-over class 100m backstroke sa oras na 1:11.21 kasunod sina Alcoseba (1:11.96) at Dianna Cruz (1:17.31) at sa 50m freestyle sa kanyang 28.97 laban kina Milcah Mina (29.17) at Shairine Floriano (29.51).

Si Melencio, isang freshman student sa Ateneo University, ay nanaig sa 400m IM (5:30.21), 200m freestyle (2:17.63), at 100m free (1:02.76).

Nanguna si Santor, miyembro ng Philippine Team sa Asian Age Group tilt noong Pebrero sa Clark, sa girls’ 16-under 200m butterfly (2:27.53).

Nauna nang nanalo si Santor sa 400m Individual Medley (5:21.84), 200m freestyle (2:18.47), 100m freestyle (1:04.16), 100m butterfly (1:06.89) at bumandera sa 400m medley relay (4:56:00).

COPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with