^

PSN Palaro

CSB nakaiwas sa Letran

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahawakan ng three-peat-seeking College of St. Benilde Lady Blazers ang solo liderato matapos du­ngisan ang malinis na karta ng Letran Lady Knights, 25-18, 25-21, 25-19 sa NCAA Season 99 women’s volleyball na nilaro sa Filoil EcoOil Arena, kahapon.

Malinis sa limang laro ang Taft-based squad habang nalasap ng Lady Knights ang unang talo sa limang salang, nalaglag sila sa No. 3 sa unahan ng Lady Blazers at Lyceum of the Philippines Lady Pirates na may 5-0 card.

Nagtala sina Gayle Pascual at Wielyn Estoque ng 12 at 11 points ayon sa pagkakasunod para sa two-time defending champions na Lady Blazers.

Dominado ng Lady Blazers ang Letran, matapos nilang makalamang  ng pitong puntos, nanatili ang kanilang tikas para tapusin ang laro.

Nanguna sa opensa para sa Letran si Gia Maquilang, nilista nito ang siyam na puntos at anim na receptions habang si Yen Martin ay tumapos ng eight markers.

vuukle comment

COLLEGE OF ST. BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with