Thunder top seed sa West playoffs
OKLAHOMA CITY — Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 15 points sa first half at pinatumba ng Thunder ang Dallas Mavericks, 135-86, para makopo ang No. 1 spot sa Western Conference playoffs.
Ito ang unang playoffs appearance ng Oklahoma City (57-25) matapos noong 2019-20 season.
Nag-ambag si Aaron Wiggins ng 14 points at kumolekta si Chet Holmgren ng 13 points at 9 rebounds para tapusin ang regular season sa isang five-game winning streak.
Hihintayin nilang matapos ang Play-In Tournament para malaman ang makakatapat sa first-round playoffs.
Ipinahinga naman ng No. 5 Dallas (50-32) sina NBA scoring leader Luka Doncic at star guard Kyrie Irving para paghandaan ang kanilang first-round matchup ng Los Angeles Clippers (51-31).
Sa Memphis, umiskor si Jamal Murray ng 21 points sa 126-111 pagdaig ng nagdedepensang Denver Nuggets (57-25) sa Grizzlies (27-55) para upuan ang No. 2 spot sa West playoffs.
Sa New Orleans, humakot si LeBron James ng 28 points, 17 assists, 11 rebounds at five steals sa 124-108 panalo ng Los Angeles Lakers (47-35) sa Pelicans (49-33) para kunin ang No. 8 slot sa West playoffs.
Sa Minneapolis, humataw si Bradley Beal ng 36 points sa 125-106 pagsunog ng Phoenix Suns (49-33) sa Minnesota Timberwolves (56-26) para itakda ang kanilang first-round playoffs rematch.
- Latest