^

PSN Palaro

COPA Swim Series Leg 3 sa RMSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakakawalan ng Congress of Philippine Aqua­tics (COPA) ang National Capital Region (NCR) One For All-All For One Swim Series Leg 3 sa Linggo sa Rizal Memorial Swimming Center sa Malate, Manila.

Sa pagtataguyod ng Speedo Philippines, Philippine Sports Commission (PSC) at basbas ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI), itatampok ang pinakamatitikas na junior swimmers at inspiradong novice athletes sa torneo na bahagi ng malawakang programa sa grassroots level ng COPA na pinamumunuan ng swim­ming icon at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.

Sinabi ni tournament director Chito Rivera, pa­ngulo rin ng Samahang Man­lalangoy sa Pilipinas (SMP), na bukas ang kom­petisyon sa lahat ng batang swimmers maging anuman ang swimming club o organisasyon na kinaaaniban.

“Since Day 1 nang kila­lanin ng Philippine Olympic Committee at ng World Aquatics ang PAI bilang lehitimong swimming association sa bansa, inclusivity at hindi na exclusivity ang isinusulong na programa ng PAI at kaanib kami sa pagsusulong ng pagbabago sa swimming community,” ani Rivera.

Ang torneo ay bahagi rin sa paghahanda ng mga swimmers para sa isasa­gawang national tryouts ng PAI para sa bubuuing koponan na isasabak sa Southeast Asian Age Group Championship sa Disyembre sa Bangkok, Thailand.

Libreng makalalahok sa torneo ang mga estud­yante mula sa mga pampublikong eskwelahan at walang regular na swimming club.

“Magdala lang sila ng mga katibayan na enrolled sila sa eskwelahan, libre ang kanilang participation fee,” ani Rivera na siya ring Executive Director ng PAI.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with