^

PSN Palaro

Pagkatalo sa Chery Tiggo wakeup call sa Creamline

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadungisan ang ima­kuladang rekord ng defen-ding champion Creamline matapos lumasap ng 25-18, 26-24, 25-23 kabiguan sa kamay ng Chery Tiggo sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference noong Sabado.

Ngunit para kay Cool Smashers team captain Alyssa Valdez, magandang wake up call ito para sa kanila upang mas lalo pa silang ganahan sa bawat laro nila.

Ito ang unang pagkakataon na na-sweep ang Creamline sa isang game sapul noong 2019 Reinforced Conference.

Kaya naman nais ni Valdez na maging inspiras-yon ito ng kanilang tropa sa kanilang mga susunod na laro.

“Siguro one of the things (ito) na pagkukuhanan namin ng inspiration this conference. May pagkukuhanan kami ng motivation,” ani Valdez,

Alam ni Valdez na tumataas na ang lebel ng paglalaro sa liga lalo pa’t nagpapalakas na ng lineup ang iba’t ibang teams.

Pasok na rin ang mga batang players na galing sa collegiate na lalo pang nagpataas ng intensidad ng mga laro sa PVL.

“The quality of games now, it’s really entertai­ning, interesting. Everyone’s r­eally keeping up and ganda talaga ng nilalaro ng bawat teams,” ani Valdez.

Balik sa training ang Cool Smashers upang a­yusin ang mga dapat nitong ayusin.

Nais ng Creamline na matukoy ang mga pagkakamali nitong nagawa na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.

“It’s really something na wake-up call for everyone and not to be complacent in this conference. Talagang maraming pinag-isipan, ano, saan nagkamali,” ani Valdez.

ALYSSA VALDEZ

COOL SMASHERS

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with