^

PSN Palaro

La Salle inilaglag ang NU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusok ang opensa ni Amie Provido upang akbayan ang defending champions De La Salle University sa 15-25, 25-19, 18-25, 25-19, 15-12 panalo kontra National University sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Tumikada si Provido ng 14 points mula sa siyam na spikes at limang blocks upang tulungan ang Taft-based squad na ikahon ang pang-anim na panalo sa pitong laro matapos ang nakapahirap na fifth set victory.

Solo sa second spot ang La Salle habang nalag­lag sa third place sa team standings ang NU tangan ang 5-2 record.

Nakahirit ang Lady Spikers ng deciding fifth set matapos ang impresibong panalo sa set four.

Tabla ang iskor sa 7-All sa fifth frame pero pumalo ng tatlong sunod na puntos ang DLSU para hawakan ang three-point lead 10-7 at umangat pa sa apat 13-9.

Subalit hindi basta nagpadaig ang Lady Bulldogs, naibaba nila sa dalawa ang hinahabol, 13-11.

Nanatili naman ang tatag ng Lady Spikers kaya nasikwat ang inaasam na panalo.

Namuno sa opensa para sa DLSU si Shevana Maria Nicola Laput na may  20 points.

ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with