^

PSN Palaro

Converge lugmok sa Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Converge lugmok sa Blackwater
Bigo si Justine Arana ng Converge na supalpalin ang jumper ni Christian David ng Blackwater.
PBA

MANILA, Philippines — Tuluyan nang dumiretso ang Blackwater sa ikatlong sunod na panalo para angkinin ang top spot ng team standings.

Pinatumba ng Bossing ang minamalas na Converge FiberXers, 90-78, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumandera si rookie Christian David para sa 3-0 kartada ng Blackwater sa kanyang 16 points at nag-ambag sina Rey Suerte, RK Ilagan, Richard Escoto at Troy Rosario ng 14, tig-12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

“To me the focus on defense is really something we’re really happy about and regards to our execution tonight,” sabi ni coach Jeffrey Cariaso.

Lagapak naman ang Converge sa 0-3 marka na nabalewala ang iniskor na 24 points, 8 rebounds at 4 assists ni Alec Stockton.

Nag-ambag si Schonny Winston ng 22 markers, 7 boards at 3 assists habang humakot si 6-foot-7 Justin Arana ng 18 points at 2 boards.

Isang 19-4 bomba ang inihulog ng Bossing tampok ang 10 points ni Ilagan sa second period para iposte ang 31-point lead, 49-18, sa FiberXers sa 6:40 minuto nito mula sa 30-14 first quarter lead.

Tinangay ng Blackwater ang 58-29 lead sa halftime kung saan nagsalpak ang tropa ni Cariaso ng 11-of-21 shooting sa 3-point line kumpara sa 1-of-11 clip ng Converge.

BLACKWATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with