^

PSN Palaro

‘Azkals’ moniker inalis na ng PFF

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula ngayon ay hindi na tatawaging ‘Azkals’ ang Philippine men’s football team.

Kasabay ng pagpapakilala sa bagong head coach na si Tom Saintfiet ng Belgium ay ang pagtatanggal ng Philippine Football Fe­deration (PFF) sa nasabing moniker ng tropa.

“Well right now, we just call the team Philippine men’s national football team. Right now, we’re not even thinking about the moniker, we’re just prepa­ring for the matches in Iraq,” ani national team director Freddy Gonzalez.

Lalabanan ng national squad ang Irag sa Marso 21 sa Barsa at sa Mars 26 sa Manila sa pinagsamang World at Asian Cups Qualifiers.

Dalawang dekada na ang nakakalipas nang si­mulang tawaging ‘Azkals’ ang mga players, coaches at ilang Pinoy football enthusiasts ang men’s national team

Kabilang sa mga nagdala sa naturang moniker sina Aly Borromeo, Phil at James Younghusband, Neil Etheridge, Chieffy Cali dong, Stephan Schrock, Patrick Reichelt, Angel Guirado at Daisuke Sato.

Nag-trending topic sa Twitter ang ‘Azkals’ sa semifinals ng 2010 AFF Suzuki Cup.

AZKALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with