^

PSN Palaro

Junior Altas diretso sa 3-0

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Dumiretso ang University of Perpetual Help System DALTA sa kanilang ikatlong dikit na ratsada matapos paluhurin ang La Salle Greenhills-College of St. Benilde, 110-91, sa NCAA Season 99 junior basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Humakot si Amiel Acido ng 33 points, 10 rebounds, 5 assist at 4 steals para sa 3-0 record ng Junior Altas.

Nagdagdag si Zek Valencia ng 20 points habang may 12 at 10 markers sina Mark Derick Gojo Cruz at Lebron Jhames Daep, ayon sa pagkakasunod.

Laglag ang Junior Bla­zers sa 0-3 baraha.

Samantala, tinalo ng nagdedepensang Letran Squires ang San Sebastian Staglets, 78-66, para sa kanilang 2-1 marka, samantalang binigo ng Jose Rizal Light Bombers ang Lyceum Junior Pirates, 85-79, para sa 1-2 kartada.

Umiskor sina Syrex Silorio at Gazzingan ng tig-13 points para sa panalo ng Squires sa Staglets (2-1) at may tig-11 markers sina George Diamante at Jonathan Manalili.

Tumipa naman sina Paul Enal at Martin Pineda ng pinagsamang 23 points at 22 rebounds sa paggupo ng Light Bombers sa Junior Pirates (0-3).

DALTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with