^

PSN Palaro

7s Super League sisipa sa Marso 10

Pilipino Star Ngayon
7s Super League sisipa sa Marso 10
Tinatalakay ni Anton del Rosario (gitna), CEO at founder ng 7x7 Football Philippines kasama sina Ethan Lee, Executive Director 7x7 Philippines at Melissa Henson, AIA Philippines Chief Marketing Officer ang detalye ng kanilang tournament na AIA 7s Super League sa press conference kamakalawa
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sisipa ang inaugural 7s Super League tampok ang pitong koponan sa Marso 10 sa McKinley Stadium sa Taguig City.

Ang mga mag-aagawan sa tropeo ng nasabing revolutionary football league ay ang Alabang South Supers, BGC Soldiers, Pampanga Strikers, Parañaque Super Nets, Quezon City Heroes, Siniloan GOM Blues at Pasig City Pirates.

“This will be a game-changer for football in the Philippines,” ani Anton del Rosario, ang CEO at Founder ng 7x7 Football Philippines. “The unique format, combined with the caliber of players involved, promises to deliver an unforgettable football ex­perience.”

Ang 7s Super League ay isang naiibang seven-a-side format na nagpapakilala sa fast-paced at dynamic style ng football.

Inaasahang mas magiging maaksyon ang bawat laro sa pagitan ng pitong lite teams na binubuo ng mga top-tier football ta­lents mula sa Metro Manila at mga probinsya.

Makikita sa liga ang mga local at international players.

Ang 7s Super League ay suportado ng AIA Phi­lippines na isang longstan­ding sponsor ng 7s Football League.

vuukle comment

MCKINLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with