^

PSN Palaro

Yulo nag-enjoy sa pamamasyal sa Korea

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo nag-enjoy sa pamamasyal sa Korea
Carlos Edriel Yulo
STAR / File

MANILA, Philippines — Nabigyan ng pagkaka­taon na makapagpahinga si world champion Carlos Edriel Yulo matapos ang pukpukang ensayo na pinagdaanan nito sa South Korea.

Sumalang sa dala­wanng linggong training camp si Yulo sa South Ko­rea kasama ang mga mahu­husay na coaches at ilang South Korean gymnasts na masisilayan din sa Paris Olympics.

Ang naturang camp ni Yulo ay bahagi ng pag­hahanda nito sa Paris Olympics kung saan pakay nitong makasikwat ng gintong medalya.

Matapos ang two-week camp ay nagawang makapasyal ni Yulo sa ilang magagandang lugar sa South Korea.

Isa sa mga pinuntahan nito ang capital city na Seoul na kilalang kilala sa buong mundo dahil sa K-Pop at K-Drama na kinagigiliwan din ng mga Pinoy.

Hindi rin nito nakalimu­tan na magpasalamat sa South Korean national team na nakasama nito.

“Thank you very much KOR national team for accommodating us, team PHI (sorry we don’t have any pictures),” ani Yulo.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with