^

PSN Palaro

SLP bets kumolekta ng 9 ginto sa Thailand

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon
SLP bets kumolekta ng 9 ginto sa Thailand
Si gold medalist Mikhael Jasper Mojdeh kasama sina Behrouz Mohammad Mojdeh, Annika Quinto at coach Jeremiah Paez. Chris Co

BANGKOK, Thailand — Patuloy ang mainit na kampanya ng Swim League Philippines (SLP) matapos sumisid ng karagdagang siyam na ginto, apat na pi­lak at dalawang tansong me­dalya sa 2024 Asian Open School Invitational (AOSI) Aquatics Championships na ginaganap sa Assumption University Aquatic Center (ABAC) Suvarnabhumi Campus dito.

Nagpasiklab nang husto si Alarie Somuelo pa­ra angkinin ang tatlong gintong medalya sa girls’ 18-over class.

Naglagak si Somuelo ng dalawang minuto at 18.78 segundo para masik­wat ang ginto sa 200m freestyle event bago nama­yagpag sa 800m freestyle (10.45.22) at 1500m freestyle (20:33.72).

Hindi rin nagpahuli si ve­teran international campaigner Aishel Cid Evangelista na nanguna sa boys’ 12-13 200m breaststroke tangan ang bilis na 2:40.23.

Wagi rin ng gintong me­dalya sina Kevin Argu­zon, Antonio Joaquin Reyes, Kean Sebastian Paragatos, Sophia Rose Garra at Paulene Beatrice Obebe sa kani-kanilang mga pa­bo­ritong events.

Pinagharian ni Arguzon ang boys’ 16-17 100m butterfly bitbit ang 59.14 se­gundo, habang nangi­babaw si Reyes sa boys’ 14-15 100m butterfly sa oras na 1:00.51.

Nanguna naman si Pa­ragatos sa boys’ 12-13 50m backstroke (30.95), sa­mantalang nagningning si Garra sa girls’ 10-11 50m breaststroke (39.15) at na­naig si Obebe sa girls’ 14-15 50m freestyle (28.53).

Nakasiguro rin ang SLP ng pilak mula kina Zachary Joseph Tovera boys’ 12-13 50m backstroke (31.52), Ignacio Javier Avellanosa boys’ 6-under 50m backstroke (47.87), Marc Justin Yu boys’ 16-17 800m freestyle (9:22.24) at Kenzie Bengson girls’ 800m 9-year freestyle (11:50.06).

Matapos umani ng da­lawang gintong medalya ay nagdagdag ng isa pang tanso si Immaculate Heart of Mary College-Paranaque standout Mikhael Jasper Mojdeh sa boys’ 8-year 100m butterfly (1:39.42).

Naglista rin ng tansong medalya si Behrouz Mohammad Mojdeh sa boys’ 12-13 200m breaststroke (2:46.98).

ABAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with