^

PSN Palaro

Best chicken

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Baka dehins makatulog si Dwight Howard sa Dubai kakaisip kung saan siya bibili ng Mang Inasal.

Bago kasi lumipad si Howard palabas ng Pinas kasama ang Strong Group Athletics team, kumain siya ng manok ng Mang Inasal.

Nahumaling ang NBA veteran na isa sa tatlong imports ng Strong Group sa 33rd Dubai International sa nakain niyang nokma.

“Best chicken in the Philippines,” anya.

At kahit nasan lupalop daw siya ng mundo, ha­hanap siya ng Mang Inasal. Baka daw sumakay siya ng eroplano makabili lang nito.

“I’m going to miss it sooooo much,” sabi pa ni Ho­ward, na nagtala ng 14 points sa unang panalo ng Strong Group noong Sabado kontra sa UAE national team.

Mabuti naman at maayos ang nilaro ni Howard, na nagsabi rin last week na gusto niya makapaglaro as import sa PBA.

Pero mabalik tayo sa Mang Inasal, mukhang nagayuma si Howard. Nagustuhan din niya ang halo-halo at pancit palabok.

Malayo ang Manila sa Dubai. Mahigit nine hours ang flight.

Kaya kung sakaling hanapin ni Howard ang favorite chicken niya, mag-isip na kayo ng paraan kung paano ito isasakay sa eroplano.

Pagbalik niya sa Pinas, tiyak na ‘yun ang una ni­yang hahanapin.

Baka kunin pa siyang endorser.

vuukle comment

DWIGHT HOWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with