^

PSN Palaro

Murray, Jokic itinakas ang Nuggets sa Celtics

Pilipino Star Ngayon
Murray, Jokic itinakas ang Nuggets sa Celtics
Nagpilit si Nikola Jokic ng Nuggets na makawala kay Al Horford ng Celtics.

BOSTON — Bumanat si Jamal Murray ng 35 points habang tumipa si Nikola Jokic ng 34 markers, 12 rebounds at 9 assists sa 102-100 paglusot ng nagdedepensang Denver Nuggets sa Celtics.

Ipinalasap ng Denver (29-14) ang unang home loss ng Boston (32-10) ngayong season matapos magtala ng 20-0 record.

Ang putback ni Michael Porter Jr. ang nagbigay sa Nuggets ng 101-98 abante kasunod ang driving dunk ni Jayson Tatum para idikit ang Celtics sa 100-101.

Matapos ang free throw ni Aaron Gordon para sa 102-100 abante ng Denver sa huling 17.1 segundo ay bigo ang Boston na makaiskor para sana sa posibleng overtime.

Tumapos si Derrick White na may 24 points habang nagdagdag sina Tatum at Kristaps Porzingis ng 22 at 21 markers, ayon sa pagkakasunod. Sa Miami, ipinasok ni Dejounte Murray ang isang go-ahead 3-pointer sa huling dalawang segundo sa 109-108 paglusot ng Atlanta Hawks (18-23) sa Heat (24-18).

Sa New Orleans, nagpaputok si Devin Booker ng season-high 52 points sa 123- 109 pagtusta ng Phoenix Suns (23-18) sa Pelicans (25-18). Sa Charlotte, kumamada si LaMelo Ball ng 28 points sa 124-120 pag-eskapo ng Hornets (9-30) sa San Antonio Spurs (7-34).

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with