Cortez nilayasan ang San Beda
MANILA, Philippines — Hindi na masisilayan si Jacob Cortez suot ang jersey ng San Beda University sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament.
Ito ay matapos ihayag ni Cortez na nilisan na nito ang kampo ng Red Lions na tinulungan nitong magkampeon sa nakalipas na season ng NCAA noong Disyembre.
Inilabas ni Cortez ang kanyang desisyon sa kanyang post sa social media.
“With great difficulty, I have decided that my time as a Red Lion is closing, and would like to officially announce that I will not be playing for San Beda University in their upcoming season,” ani Cortez.
Plano ni Cortez na lumipat sa isang UAAP team.
“Challenging, improving, and growing is always my goal, and so I have decided that to achieve this, I need to get out of my comfort zone. With that, I plan to compete in the UAAP,” ani Cortez.
Nangunguna sa listahan ang defending champion De La Salle University sa posibleng lipatan nito.
Una nang dahilan ang kanyang ama na si Mike Cortez na dating player ng Green Archers.
Sariwa pa ang La Salle sa matamis na kampeonato sa UAAP kung saan tinalo nito ang University of the Philippines (UP) sa best-of-three championship series.
Maganda ang rekord ni Cortez sa huling season nito sa NCAA kung saan nagtala ito ng averages na 15.4 points, 3.6 rebounds, 3.4 assists at 1.2 steals.
- Latest